"ISANG KAHIG, ISANG TUKA"
Ang aking ngalanay Trina Batumbakal, labing-anim na taong gulang. Nais kong ipamahagi ang kwento ng aking buhay upang magsilbing inspirasyon sa nakararami. Mahirap maging mahirap. Iyon bang kayod kalabaw ka na sa pagtatrabaho ngunit hindi pa rin ito sapat. Isang beses lamang kami nakakakain sa isang araw. Ang aming pamilya'y nakatira sa ilalim ng tulay dito sa Maynila. Si Nanay at Tatay ay namumulot lamang ng basura upang may pantustos sa aming pang araw-araw na gastusin
Dalawa lamang kaming magkapatid, ako ang panganay. Sa kabutihang palad, kami ng aking siyam na taong gulang na kapatid ay nakakapag-aral sa isang pampublikong paaralan sa kabilang Barangay. Laking pasasalamat namin sa skolar na ibinigay ng eskwelahan para sa mga katulad naming hikahos sa buhay. Kahit madalas na wala kaming baon ay patuloy pa rin kami sa pagpasok, patuloy pa rin kaming nangangarap.
"Anak, malapit na ang Pasko ngunit wala na naman tayong maihanda sa araw na iyon." Ani ni inay. "Hayaan niyo na po. Ang importante'y buo pa rin ang ating pamilya at matatag pa rin ang ating paniniwala sa Poong Maykapal."
"Pasensya na kayo, anak. Hindi namin maibigay ng Tatay ni'yo ang inyong mga pangangailangan." "May awa po ang Panginoon, Nanay. Huwag lamang tayong mawalan ng pag-asa."
"Pasensya na kayo, anak. Hindi namin maibigay ng Tatay ni'yo ang inyong mga pangangailangan." "May awa po ang Panginoon, Nanay. Huwag lamang tayong mawalan ng pag-asa."
Sa pagdating ng Pasko'y tila nagkukumahog ang mga bulate sa aming tiyan dahil sa gutom. Masuwerte ang ibang pamilya na napakaraming pagkain ang nakahain sa kanilang mesa. Habang sila'y nagsasaya sa araw na ito, wala silang kaalam-alam na may isang pamilya na walang makain sa likod ng mga kumukuti-kutitap na bombilya.
"Nanay, wala po ba tayong pagkain? Kahit kanin lang po. Gutom na gutom na po ako." Daing ng aking kapatid.
"Wala, anak. Ngunit may kamoteng kahoy pa riyan." Sabat naman ni Tatay.
"Oo nga, anak. Inuwi 'yan ng Tatay mo."
"Kamoteng kahoy na naman! Araw-araw na lamang ganyan! Wala man lamang bago sa buhay natin?" galit na saad ni Iya, ang aking kapatid.
"Mga anak, pasensya na kayo. Iyan lamang ang kaya natin ngayon. Hayaan niyo, sa bagong taon ay makakapaghanda tayo ng marami. Pangako ko 'yan." Si Tatay.
"Yehey! Talaga, Tatay?" magiliw na wika ni Iya. "Oo, anak. Pangako."

Batid kong napakahirap ang magkaroon ng kwarta, lalo na sa aming estado. Kung kaya't hindi ko mawari ang tumatakbo sa isipan ni Tatay.
"Tatay, paano po tayo magkakaroon ng magarbong handa kung wala naman tayong salapi?" hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
"Ako ang bahala, anak." Humalakhak si Tatay ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan.

Kinaumagahan, maagang umalis si Tatay kaya't sumunod na lamang kami nina Nanay at Iya sa pangangalakal. Sabado ngayon, walang pasok, kung kaya't tumutulong kami kina Nanay.
"Nasaan kaya ang iyong Tatay?" tanong ni Nanay sa kalagitnaan ng aming paghahalungkat sa mga tambak na basura.
"Hindi ko po alam. Baka nasa kabilang Bayan, nangangalakal." Hindi siguradong sagot ko sa kanya. "Talagang seryoso siya sa kanyang pangako, ha?"
"Alam mo naman na po si Tatay, may isang salita." "Sa bagay, anak. Napakahuwaran niyang ama."
"Kaya ninyo nga po siya minahal, di ba? Hehe"
"Ikaw talagang bata ka." Saway sa akin ni Nanay ngunit halatang kinikilig. Haha!

Makalipas ang ilang araw, napapansin kong madalas ang pagkabalisa ni Tatay. Maaga rin siyang umaalis ng bahay ngunit hating-gabi na kung umuwi. Pagsapit ng bisperas ng Bagong Taon (December 31), isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang gumulantang sa aming pamilya. Nagbibiruan kaming magkapatid samantalang si Nanay ay nagluluto, nang biglang marahas na bumukas ang aming pintuan na yari sa pinagtagpi-tagping yero.
"T-tatay! Bak-kit puro dugo ang inyong katawan?" naiiyak na sambit ng aking kapatid. Subalit ngumiti lamang si Tatay sa amin at nagpunta kay Nanay na ninenerbiyos nang makita ang itsura ni Tatay.
"A-anong nangyari sa'yo?" walang pasubaling tumulo ang luha ni Nanay at niyakap si Tatay ng mahigpit.
"Nanay, dalhin natin siya sa Ospital!"
"H-hindi na, anak. W-wala t-ayong p-ambayad."
"P-ero, 'tay! Tara na po dadalhin ka namin sa Ospital! Nanay! Tara na!"
"O-o, tara na!" sambit naman ni Nanay habang inaakay ang nagmamatigas na Tatay.
"H-indi na. Nena, I-i-ikaw na ang bahala sa mga b-bata. H-uwag kang mag-alala, b-babantayan k-ko kayo k-kung s-aan m-an ako m-apunta. Ma-mahal na m-ahal k-o ka-kayo." Habang nagsasalita'y tumutulo rin ang mga dugo sa kanyang bibig.
"Tatay! Ano bang nangyari sayo? Tatay naman! Huwag ka namang magbiro ng ganyan!" hindi na ako makahinga ng maayos sa kalagayan ng aking ama.
"E-eto nga p-ala ang ipin-angako ko sa in-yo."

Iniabot niya sa harap namin ang napakaraming supot na hawak.
"P-a-alam m-ga m-ahal k-o." ----
"TATAY!"
"Anak, nananaginip ka na naman."
"Nanay, kamusta na kaya si Tatay?"
"Nasa paligid lamang natin siya. Nagbabantay, 'diba iyon ang kanyang sinabi bago siya pumanaw?" "Darating ang araw, magdudusa rin ang pumatay sa kanya."
"Anak, hayaan mo na ang Diyos ang gumawa ng parusa para sa taong iyon. Huwag mong ilagay sa iyong kamay ang batas."
"Nanay, nakakalimutan mo na ba? Natalo tayo sa kaso dahil mayaman ang may sala. Binayaran niya ang tagahatol!"
"Diyos na ang bahala, anak. At tandaan mo, ang pagkain, nakabubusog ng tiyan. Ang katotohanan, nakabubusog ng kaluluwa."

Matapos inilibing ang aking ama ay napag-alaman naming isang Kapitan sa kabilang Bayan ang walang awa siyang pinagbabaril. Matapos daw ang Pasko'y lumapit sa kanya si Tatay sapagkat balita sa iba't ibang Barangay na nagbibigay siya ng trabaho sa mga mahihirap. Hindi nga nagkamali si Tatay sa paglapit sa kanya dahil agaran siyang binigyan ng trabaho sa araw din na iyon. Ngunit isa itong illegal na trabaho, kailangan niyang maiabot sa mamimili ang drogang ginawang negosyo ng Kapitan. Ngunit noong bisperas ng Bagong Taon ay hindi na sumipot si Tatay sa kanila sapagkat may nalikom na itong sapat na pera upang mabili ang ipinangakong magarbong handaan. Lingid sa kaalaman ng aking ama'y may sumusunod sa kanyang mga tauhan ni Kapitan habang nilalandas ang daan patungo sa aming barung-barong. Ilang hakbang na lamang ay hinarangan siya ng tatlong lalaki, at walang habas na pinagbabaril at pinagsusuntok. Natamaan siya sa kanyang dibdib na siyang dahilan sa kanyang pagkamatay. Wala man kaming laban sa ngayon, sisiguraduhin kong makukuha rin namin balang araw ang hustisyang inaasam para sa aming ama. Nagdaan ang ilang taon, wala pa ring pagbabago sa aming buhay. Mas lalo pa kaming nahirapan sanhi na rin ng pagkawala ng haligi ng aming tahanan. Ngunit hindi pa rin kami pinapahinto ni Nanay sa pag-aaral sapagkat ito raw ang nag-iisang kayamanan na maipapamana nila ni Tatay sa amin. Nasa kolehiyo na ako't nasa sekundarya naman si Iya. Sa tulong na rin ng aming skolar ay nababawasan ang binabayaran ni Nanay. Bagamat napawalang sala ang mga taong may sala sa pagkamatay ni Tatay, hindi pa rin kami sumusuko.
Sa ngayon nga'y tinutulungan kami ng isang pinakamagaling na abogado sa Maynila. Nagtungo ako sa estasyon ng pulis upang ibigay ang nakalap naming ebidensiya at may testigo na rin kami laban sa Kapitan. Ramdam kong mananalo kami sa kasong ito ... kung hindi babayaran ng kalaban ang tagahukom.
"Okay na ito. Hintayin na lamang natin ang (warrant of arrest) upang mahuli na natin si Kapitan maging ang kanyang mga tauhan." Saad ng pulis na aking nakausap.
"Sige po. Maraming salamat."
"Sige po. Maraming salamat."
Malapit na akong makarating sa aming tahanan nang may mga kalabog akong naririnig sa loob nito. Pagbukas ko sa pintuan ay laking gulat ko nang maraming nagkalat na lalaki sa loob.
"O, Trina! Nakauwi ka na pala. Ano? Naihain mo na ba ang nakalap mong ebidensya para sa amin?" sarkastikong wika ni Kapitan na ngayon ko lang napansin.
"Oo! At may testigo na rin kami laban sa inyo!" sigaw ko sa kanya.
Sino? Ito ba? Ha ha ha!" nagulat ako nang walang kahirap-hirap niyang itinulak ang isang katawang tila gutay-gutay na. Kitang-kita ko rin sa aking kinatatayuan ang mga lumalabas na lamang loob galing sa katawan ng tetestigo sa aming kaso. Wala na! Napakahayop nila!

"Wala kang puso! Paano mo naaatim ang gumawa ng karumaldumal na gawaing ito? At nasaan ang Nanay at kapatid ko? Anong ginawa mo sa kanila?" naiiyak na ako sa sitwasyong aking kinakaharap ngunit hindi ko gustong magpakita ng kahit na anong kahinaan sa harap nila.
"Ha ha ha! O, lumabas na kayo riyan. Hinahanap na kayo ng nagmamagaling na si Trina!" marahas na tinulak ng isang lalaki si Nanay at si Iya na puno ng galos ang katawan. Umawang ang aking bibig sa nakita. Tahimik silang umiiyak na tila nawawalan na ng lakas.
"Nanay! Iya! Anong ginawa nila sa inyo?" hindi ko na mawari kung ano ang gagawin ko. "
Ano? Iuurong mo na ba ang kaso, Trina? Ha ha ha!"
"HINDI! UMALIS NA KAYO RITO! WALA KAYONG KWENTA!" sigaw ko sa kanya.
"TALAGA? SIGE, KUNG GANOON AY PAGMASDAN MO ANG NANAY AT ANG KAPATID MONG MAMAMATAY SA HARAP MO!" nangilabot ako sa kanyang itunuran. Nawalan na ako ng Tatay. Hindi pwedeng pati sila ang kukunin sa akin. Sila na lamang ang aking kasangga sa buhay.

"Bakit napakadali para sa inyo ang kumitil ng buhay? Hindi ba kayo natatakot sa Diyos?" nanghihinang saad ko. Nawawalan na rin ako ng lakas. Tila isang nauupos na kandila. Hindi ko rin batid kung bakit hindi nagsasalita si Nanay at Iya, tahimik lamang silang umiiyak.
"HINDI! AKO LAMANG ANG NAG-IISANG DIYOS SA MUNDONG ITO! SA AKIN KA MATAKOT! HA HA HA!"
"NAHIHIBANG KA NA! ISA KANG DEMONYO!"
"AT IPAPAKITA KO SA'YO ANG BAGSIK NG DEMONYONG ITO!" agad niyang hinawakan ang leeg ni Nanay at itinaas.
"Nanay! Bitawan mo ang Nanay ko!" sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha nang makitang nahihirapan sa paghinga ang aking ina.
"Iuurong ko na ang kaso, tantanan mo lamang kami!" pagsusumamo ko sa Kapitan.
"Ha ha ha! Hindi ako isang tanga para maniwala sa'yo! Narito naman na kami, bakit hindi ko pa kayo papatayin? Para magkasama-sama na rin kayo ng traydor mong ama!" nakita ko ang poot at galit sa kanyang mga mata. Ngunit nasindak ako nang bigla niya inilagay ang kanyang baril sa bibig ni Nanay at walang alinlangan nitong ipinutok ng tatlong beses.
"NANAY!" sabay naming sigaw ni Iya. Napaluhod na ako nang makitang papikit na ang mga mata ni Nanay. "A-anak, u-umal-is na k-ka-yo. I-iwan ni-yo na a-ko r-rito. T-tumakas n-a k-kayo!"
"PERO NANAY? HUWAG KANG SUSUKO! LUMABAN KA! IKAW NA LAMANG ANG MERON KAMI! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN! PARANG AWA MO NA, HUWAG MO KAMING IWAN!"
"K-kapitan, nagmamakaawa ako, itigil niyo na ito. Pakawalan niyo na kami."

Patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha habang tinitingnan si Nanay na wala ng malay sa sahig. Ngunit nawindang ako nang biglang sinipa ni Iya ang paa ni Kapitan. Nagngitngit sa galit si Kapitan at pinagsasampal nito ang aking kapatid.
"IYA! KAPITAN, TAMA NA! NAGSUSUMAMO AKO SA INYO!" ngunit tila hindi nito narinig ang aking iminungkahi. Patuloy ito sa pagsampal at pagtadyak sa aking kawawang kapatid. Itinutok nito ang kanyang baril sa ulo ni Iya at ipinutok. Binaril din niya ang maseselang bahagi ng katawan nito. Ngayon ko lamang napansin na may nag-iba sa katawan ng aking kapatid.
G-ginahasa mo s-siya?" tulirong tanong ko. Nagawa ko pa talagang itanong iyon sa harap ng aking kapatid at inang nag-aagaw buhay.
"HINDI! HINDI LAMANG AKO, KUNDI KAMING LAHAT! HA HA HA! NAKAPASARAP NG KATAWAN NG KAPATID MO! IKAW KAYA? HA HA HA!" sumisikip ang aking dibdib sa pag-amin nito. Ang aking kawawang kapatid. Napakarami nitong pangarap sa buhay, sinira lamang nila! Pinunasan ko ang mga naglalandasang luha sa aking mga mata at hinarap ang hayop na Kapitan.
"Hindi ko alam kung bakit iniluwal ka pa ng Nanay mo." Mahinahon kong wika.

Nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Ngunit ngumiti ako at sinipa ang maselang parte ng kanyang katawan. Narinig ko ang sabay sabay na pagkasa ng baril ng mga lalaki sa paligid. At sabay sabay din nila itong itinutok sa akin.
"Ha ha ha! Isa kang hangal, Trina! Mga tauhan, baka gusto ninyo muna itong tikman bago barilin? Paniguradong mas masarap ito kaysa sa kapatid niya. Ha ha ha!"
"Napakahayop mo! Wala kang hiya!" sinugod ko siya at pinagsisipa.
"Napakahayop mo! Wala kang hiya!" sinugod ko siya at pinagsisipa.
Wala na akong paki-alam kung mamamatay ako sa huli, sa bagay wala na rin naman ang mga mahal ko sa buhay kaya't sasagarin ko na.
"Talagang matigas ka ha! Sige, pagbibigyan kita! Gusto mo ng mamatay? Pwes, mamatay ka na!" kasabay ng kanyang huling salita ay ang biglaang pagbukas ang aming pintuan at ang pagragasa ng mga pulis sa loob.
"Trina!" umalingawngaw sa aking pandinig ang boses ng aming abogado sa gitna ng mga putukan. "S-sir!" nanghihina kong sagot sa kanya. Hinila niya ako palabas at iniakay sa loob ng kanyang sasakyan. "S-si Nanay at Iya! N-nasa loob p-pa po."
Hindi pa rin maikubli sa aking boses ang takot.
"Nailabas na rin sila, Trina. Isinugod na sila sa Ospital. Pupunta na tayo roon."
"S-salamat po. Kayo rin po ba ang nagsumbong sa mga pulis?"
"Oo. Papunta na sana ako sa bahay niyo ng narinig ko ang mga sigawan. Minabuti kong tumawag muna ng pulis upang mailigtas kayo. Kaso, sa hinala ko'y hindi na makakaligtas ang nanay at kapatid mo."

Sa kanyang tinuran ay nanghina na naman ako at naiyak. Paano na ito? Paano na ako? Bakit sa amin pa nangyari ang lahat ng ito?
"I'm sorry, wala na po sila."
"I'm sorry, wala na po sila."
Huling pangungusap na aking narinig bago tinabunan ng kumot ang katawan ni Nanay at Iya.
"Nanay, Iya! Bakit niyo naman ako iniwang mag-isa? Hindi ko kaya ang ganito. Kunin niyo na rin ako. Ayaw ko na! Suko na ako! Isama niyo na rin ako!" humahagulgol kong bulong sa kanilang mga bangkay.
Hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa akin. Hindi ko na alam!
"Trina, kahit na mahirap at masakit ang mga pinagdadaanan mo ngayon, ngumiti ka lang. Kumapit ka, nariyan lamang ang Panginoon upang gumabay sayo. Kahit na anong mangyari ... tahakin mo pa rin ang tamang landas patungo sa kanya. Huwag kang mawalan ng pag-asa." Ani ni Sir Jake, ang abogadong tumulong sa amin. ---
"Nanay, Tatay, Iya, sana masaya kayo kung nasaan man kayo. Miss na miss ko na kayo. Sana dumating ang araw na magkasama-sama rin tayong muli. Mahal na mahal ko kayo."
Biglang umihip ng malakas ang hangin sa Sementeryo. Nagsitindigan ang mga balahibo sa aking balat. Tila may yumayakap at humahaplos sa akin na hindi ko naman nakikita ngunit ramdam ko iyon.
"Anak, tara na. Gumagabi na o!"
"Sige po, Papa Jake."
"Sige po, Papa Jake."
Matapos ang trahedyang nangyari sa aming pamilya ay kinupkop na ako ni Sir Jake. Itinuring nila ako ng kanyang asawa na isang tunay na anak. Hindi rin kasi sila nabiyayaan ng anak, kaya't isa raw akong malaking biyayang dumating sa kanilang buhay. Ilang taon ang lumipas ay nahatulan ng panghabang-buhay na pagkakakulong si Kapitan, maging ang kanyang mga tauhan. Sina Sir Jake ang nagpaaral sa akin. Kumuha ako ng abogasya. At sa ngayon, isa na akong ganap na abogado at nainilbihan sa mga tao. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat nakayanan kong mapagtagumpayan ang unos na nangyari sa aking buhay. At sa mga tao ring tumulong sa akin upang tumayo sa aking pagkakadapa. Tunay ngang hindi mo alam kung ano ang naghihintay sayo sa kinabukasan. Ngunit huwag kang sumuko, ituloy mo lamang ang iyong paglalakbay upang makamit ang tagumpay. Huwag ding kakaligtaan ang Panginoon na siyang nagbibigay lakas sa atin sa bawat trahedyang ating kinakaharap. Oo, masasabi kong "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" ang aming pamilya noon. Ngunit dito kami natutong pahalagahan ang mga maliliit na bagay na aming nakamit. At ito rin ang nagsilbing inspirasyon ko upang magsumikap sa buhay.
Muli, ako si Trina Batumbakal, ito ang aking kwento. ®Christian Royce Sagala - Facebook

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento