"ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Ang aking ngalanay Trina Batumbakal, labing-anim na taong gulang. Nais kong ipamahagi ang kwento ng aking buhay upang magsilbing inspi rasyon sa nakararami. Mahirap maging mahirap. Iyon bang kayod kalabaw ka na sa pagtatrabaho ngunit hindi pa rin ito sapat. Isang beses lamang kami nakakakain sa isang araw. Ang aming pamilya'y nakatira sa ilalim ng tulay dito sa Maynila. Si Nanay at Tatay ay namumulot lamang ng basura upang may pantustos sa aming pang araw-araw na gastusin Dalawa lamang kaming magkapatid, ako ang panganay. Sa kabutihang palad, kami ng aking siyam na taong gulang na kapatid ay nakakapag-aral sa isang pampublikong paaralan sa kabilang Barangay. Laking pasasalamat namin sa skolar na ibinigay ng eskwelahan para sa mga katulad naming hikahos sa buhay. Kahit madalas na wala kaming baon ay patuloy pa rin kami sa pagpasok, patuloy pa rin kaming nangangarap. "Anak, malapit na ang Pasko ngunit wala na naman tay...